Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa’t isa.
Iba’t ibang kahulugan
- Diksyunaryong Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
- Barnhart (American College Dictionary): Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
- Sikologo: Napiling pagtugon o reaksyon.
- Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang kapaligiran.
- Aristotle: Nagsasalita, sinasabi, nakikinig
- Wilbur Schurman:
- Pinanggalingan - taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp.
- Mensahe – pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp.
- Destinasyon – taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
- Richard Swanson at Charles Marquandt:
- Ang pinanggalingan ng mensahe (participant na nagsulat o nagbasa)
- Ang ideya o mensahe (binuong kaisipan)
- Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
- Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan, atbp.)
- Tumatanggap ng mensahe (kasali na nagbabasa o nakikinig)
Ayon kay aristotole ang sangkap ng komunikasyon ay ang nagbibigay ng mensahe, ang mensahe, at ang tumanggap ng mensahe.ano ang ibig sabihin nito
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao
. Ang wika ayon kay WEBSTER ay “ang wika ayisang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
thank you dito sa answer mo :)
ReplyDeletecute ko
ReplyDeleteLove Yourself💜
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThanksss
ReplyDelete