Saturday, October 8, 2011

Kelen’s Dagger (ANG MGA PULITIKO)


Nakasanayan na nating marinig ang mga makapitlag-pusong pangako, plano at panata ng mgapulitiko. Mga balak dito, balak doon, mga nais na proyekto noon, ngayon atmaging sa hinaharap.
Ngunit minsan na bang pumasok sa ating mga isipan na sa dami ng kanilangipinapangako ay mapagkakasya pa kaya nila itong isakatuparan sa kanilang mgalimitadong termino?
Mga matataas na uri ng tao sa lipunan na magaling kung bumigkas ng mgasalita at pumukaw ng damdamin ng madla. Mga salitang lagpas-lagpasan sakanilang ilalaging oras sa pagkaka-upo sa kanilang mga mala-gintong upuan opwesto.
Hindi naman nilalahat ang mga pulitikong puro pangako lang, mayroon parin namang mabubuting tumatakbo na masasabing pag-asa pa rin ng bayan tuladnila……… Ah basta! Mayroon pa.
Tuwing kampanya mababanaagan ang matatamis na ngiti ng bawat kandidato,kaway dito, kaway doon. Matiyagang nakikipag kapit-bisig sa mga pawisangmagsasaka at karpintero. Taas noong nakikipagkamay sa mga malalansang tinderong manok, baboy at isda sa palengke. Minsa’y nawawari ko kung makatotohanankaya na wala silang pandidiring nadarama o tulad sila ng mga Hollywoodcelebrities na kailangang limitado lamang ang kilos upang hindi ma-caught in actng mga paparazzi. Sinasabi kaya nila ang mga katagang “Alcohol! Alcohol!” kapagsila’y nasa sasakyan na?
Ang mga kinauukulan ngayon ay maihahalintulad ko sa mga character sa DOTA. Tulad ng mga hero doon, ang mga pulitiko ay mayroon ding tatlong katangian. Ang agility, strength at intelligence. Madamisilang creeps o mga galamay at tauhan na siyangmay pagkukusang kumikilos ng mga bagay na dapat i-areglo,legal o ilegal man.Nakakapag “travel” din sila saan mang parte ng mapa at madami silang gold opera at mas dumadami pa sa paglipas ng panahon.
Pero siyempre tulad nga sa DOTA hindi pwedeng mawala ang mga kalaban sapulitika. Tulad ng Scourge versus Sentinel mayroon ding Liberal versus NationalistParty, pero hindi pedeng lumaban si Vengeful Spiritng mag-isa laban sa lima kaya sa pamahalaan kadalasan kailangang kumuha pa ngmga pulitiko ng mga kilalang personalidad upang kanilang maging ka-partidoupang mas lumakas pa. Dumadating din sa punto ng FirstBlood o kinikitil ang buhay ng katunggaling pulitiko upang manalo,mayroon ding Ultra Kill kung saan ang lahat ngmay koneksyon sa kalaban ay kinikitil din ang buhay.
Ngunit ang dahas ay gasgas na istratehiya na, bukod sa delikado itoisagawa madalas ay ito pa ang nagiging dahilan kung bakit tunay na hindi talaganagtatagumpay ang mga kandidato.
Sa halip gumagamit sila ng Cheat codes onandadaya na lamang sa panahon ng halalan o eleksyon.
Simple at nakasanayan ng pakinggan ng mga ordinaryong taong tulad natinang mga dayaan at kadumihan ng ilang tao sa pamahalaan.
At sa pagkakapanalo nila ay masasabing Godlikeo tunay na makapangyarihan talaga ang mga taong ito.
Mga taong tila mayroong Kelen’s Daggerna sa tuwing kinakailangan ng bayan ay nagte-teleport .Saka sila nawawala atnasa malayo. Pero lagi din nating tandaan na nag-e-expire ang version ng DOTA.Sa realidad, magtatapos din ang termino nila at hindi na mananalo pa kahithumingi pa ng rematch.

Rubiks Cube



Mahigit isang taon na ang nakakaraan magmula ng maghalal ng bagong mga uupo sa pwesto ang Pilipinas. Mababalikan ng ating mga isipan ang mahigpit na labanan sa pagitan ng mga kandidato lalong-lalo na sa pinakamataas na posisyon, ang pagkapresidente.
Kanya-kanyang pakulo, ideya, pangako at gimik. “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura, nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada…”Isa sa linya ng kanta na paulit-ulit nating napanuod at narinig sa telebisyon at radyo noong panahon ng pangangampanya na talaga namang tumatak na sa ating isipan. May mga kantang nagsilbing simbulo, mga slogan na bagamat maikli ay talaga naming may malawak na nilalaman at maging mga kulay na tumayo bilang pagkakakilanlan ng mg kandidato.
Hanggang sa nadaos na nga ang araw ng halalan. Halalang tila maihahalintulad sa isang Rubiks Cube. Ang kwadradong bagay na ito ay makulay. Tulad ng naganap na halalan kung saan may kulay kahel,dilaw,rosas,berde at madami pang iba. Kahel para kay Senate President Manny Villar, Dilaw na kinakatawan ng panganay na anak ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino na si Benigno Simoun “Noynoy” Aquino III, Rosas para kay MMDA Chairman Bayani Fernando at Berde para sa punong kinatawan ng NDCC Gilberto “Gibo” Teodoro. Habang patuloy na iniikot at binunbuo ang mga kulay ng Rubiks Cube, mas tumitindi pa ang labanan. Hanggang dumating na sa punto na nabuo na ang grupo ng unang kulay nasa itaas ng kwadrado, ang dilaw.
“Kung walang corrupt, walang mahirap” ang nagclick sa puso ng mga mamamayang Pilipino.
Dilaw ang nanalo. Si Noynoy Aquino na nangakong “tayo ang kanyang boss”. Na nagsabing walang “wangwang”.
At sa pagkakahalal ng bagong mamumuno, nagkaroon na naman ng pag-asa ang mga mamamayang Pilipino na makaahon ang Pilipinas sa pagdarahop nito. Isang bagong kabanata na naman na dumating sa ating mga buhay. Kabanata na sana’y ang tamang     daan na ang bagtasin.