Mahigit isang taon na ang nakakaraan magmula ng maghalal ng bagong mga
uupo sa pwesto ang Pilipinas. Mababalikan ng ating mga isipan ang mahigpit na
labanan sa pagitan ng mga kandidato lalong-lalo na sa pinakamataas na posisyon,
ang pagkapresidente.
Kanya-kanyang pakulo, ideya, pangako at gimik. “Nakaligo ka na ba sa
dagat ng basura, nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada…”Isa sa linya ng kanta
na paulit-ulit nating napanuod at narinig sa telebisyon at radyo noong panahon
ng pangangampanya na talaga namang tumatak na sa ating isipan. May mga kantang
nagsilbing simbulo, mga slogan na bagamat maikli ay talaga naming may malawak
na nilalaman at maging mga kulay na tumayo bilang pagkakakilanlan ng mg
kandidato.
Hanggang sa nadaos na nga ang araw ng halalan. Halalang tila
maihahalintulad sa isang Rubiks Cube. Ang kwadradong bagay na ito ay makulay.
Tulad ng naganap na halalan kung saan may kulay kahel,dilaw,rosas,berde at
madami pang iba. Kahel para kay Senate President Manny Villar, Dilaw na
kinakatawan ng panganay na anak ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino na
si Benigno Simoun “Noynoy” Aquino III, Rosas para kay MMDA Chairman Bayani
Fernando at Berde para sa punong kinatawan ng NDCC Gilberto “Gibo” Teodoro.
Habang patuloy na iniikot at binunbuo ang mga kulay ng Rubiks Cube, mas
tumitindi pa ang labanan. Hanggang dumating na sa punto na nabuo na ang grupo
ng unang kulay nasa itaas ng kwadrado, ang dilaw.
“Kung walang corrupt, walang mahirap” ang nagclick sa puso ng mga
mamamayang Pilipino.
Dilaw ang nanalo. Si Noynoy Aquino na nangakong “tayo ang kanyang boss”.
Na nagsabing walang “wangwang”.
At sa pagkakahalal ng bagong mamumuno, nagkaroon na naman ng pag-asa ang
mga mamamayang Pilipino na makaahon ang Pilipinas sa pagdarahop nito. Isang
bagong kabanata na naman na dumating sa ating mga buhay. Kabanata na sana’y ang
tamang daan na ang bagtasin.
No comments:
Post a Comment