Madali kang maile-let go ng tao
tingnan mo, kasi yung akala mong mahal ka minsan nabubulagan ka lang pala sa
mga efforts niya sayo. Paano mo masasabing mahal ka niya eh hindi ka niya nga
maipakilala sa pamilya niya, hindi niya nga maipahiram yung cellphone niya
sayo, at iba pang mga simpleng bagay. Pano mo masasabing magiging maligaya ka
kasama yung tao eh ni hindi mo nga masabi sa kanya na “akin ka lang” dahil alam
mong merong iba, yung hindi mo maisip kung anong future niyong dalawa dahil “hindi
naman talaga kayong dalawa lang”. Masaya ka kasi nararamdaman mo yung mga
efforts na di mo naranasan noon, yung alaga, yung concern pero ikaw din naman
ang may kasalanan dahil sa umpisa pa lang alam mong maling mali pinasok mo,
alam mong masasaktan ka.
Sa madaling
salita, nasasaktan ako ngayon. Lalo na yung taong pinagkatiwalaan ko ng sarili
ko yung magiging dahilan pa para mabawasan ang respeto ko sa sarili ko. Yung kinapalan
mo na nga ang mukha mo pati balat mo para mahalin siya sa kabila ng alam mong
meron siyang iba pero wala pa rin. Nasan na yung talino ko? Ngayon nagiging
corny na naman ako para sabihin na nakakabobo talaga mag mahal. Yung inalagaan
at pinalaki ka ng mga magulang mo para gaguhin lang ng ibang tao. Naiiyak akong
isipin bakit ako pumapayag lang sa ganito, ito ba talaga yung deserve ko? Bakit
pumapayag ako na walang plano ang isang tao para sa akin, bakit pumapayag ako
na nahihirapan ako sa bagay na alam ko naman sa umpisa pa lang na wala ng
patutunguhan.
NAKAKAIYAK.
No comments:
Post a Comment