Tunay na laganap na nag kahirapan sa ating bansa. Karahasan, pangmomolestya, nakawan, bunga ng kahirapan hanggang sa umabot na sa pagbebenta ng laman.
Sa kalaliman ng gabi, mababanaagan ang mga kababaihan na nakasanayan na nating tawaging mga “kalapating mababa ang lipad”. Maaaring nasa wastong edad ngunit kadalasang menor de edad ang nagpapakasasa sa kanlungan ng kanilang mga kliyente.
Prostitusyon. Ano nga ba ang prostitusyon?
Ang prostitusyon ang pagpapabili ng panandaliang aliw. Ito ay itinuturing na isang matandang hanapbuhay, sa bansang Pilipinas at iba pang kanluraning bansa. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan sa mga hayok at gutom sa laman na mga parukyano. Sandaling bayad na ligaya para sa mga kostumer na walang takot sa Poong Lumikha. Ligaya na kapalit ay pera ngunit nagdudulot naman ng pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta.
Bakit nangyayari ito?
Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon.
Sa ating bansang Pilipinas, sa panahon natin ngayon, ang pagiging mahirap ay hindi lamang ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang, hanapbuhay na disente, o makapag-aral ang mga bata.
Alam ba ninyo? Na ang tinatawagan na kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao, mga Bisyo kagaya ng drugs, communication gadgets tulad ng cellphone, gimmick at iba pang karangyaan sa buhay ng tao. Ang pagkagahaman, o ang paghahangad na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang iba sa mabilisang paraan.
Sa mga bansa sa Asya, noon ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang
Ang Pilipinas ngayon ay isa sa pugad ng Prostitusyon sa mundo.
Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga lalaking may pera na hayok sa laman, sabagay ang ganito ay madalas nangyayara sa mga private room ng mga sing-along bar? Hindi po ba?
Ayon sa mga nababasa natin, sa mga internet, may mga estudyanteng babae na binibigyan naman daw ng allowance ng kanilang mga magulang, ngunit bakit pinasok pa ang pagsa-sideline sa cybersex? Isa pang bersyon ng prostitusyon sa makabagong paraan gamit ang teknolohiya tulad ng computer.
Ang punto, paano nga ba natin ito malalabanan?
Sa kasalakuyan, masasabing wala na rin tayong naiisip pang paraan upang malabanan ang pagbebenta ng laman. Sa puntong ito, makabubuti na lamang nating gawin ay ipagpatuloy ang buhay at iwaksi ang pangmamata sa mga taong may ganitong trabaho. Dahil ika nga, may pera sa basura. Sa ibang paraan nga lamang tulad nito, sa prostitusyon sila nagkakapera. Sa trabahong imoral sa paningin ng iba ngunit trabahong syang bumubuhay naman sa iba.
-dxupfm-reference
Kahirapan ang dahilan ng paglaganap ng prostitusyon at isa na rin ang kawalan ng direksyon sa buhay. Dapat na pakialaman ito ng pamahalaan.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletePara sa akin isa sa mga dahilan kung bakit kailangang gawin ito bukod sa kahirapan ay kailangang magsakripisyo para lang sa pamilya dahil sila o ikaw ang inaasahan sa pamilya o depende sa pangangailangan kaya kumakapit na lang sa patalim...
ReplyDeleteHindi lahat ng oras na ang kahirapan ang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganitong sitwasyon bakit for virtue of no choice na lang ba palagi? Kundi ang Iba kagustuhan lang nila.
ReplyDeleteno hates but that is one of the reality nowadays.